
Hawak na ni Reyna Mitena (Rhian Ramos) sina Adamus (Kelvin Miranda) at Flamarra (Faith Da Silva).
Binawi na rin ni Mitena ang kapangyarihan nina Adamus at Flamarra na makapaglaho.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, gagawing alas ni Mitena si Flamarra para magpakita si Pirena (Glaiza De Castro).
Ipinasilip din ang pagkulong ni Imaw kay Pirena sa isang bula at sinabing sundin nito ang kanyang bugna (kapalaran) at hanapin ang anak ni Danaya (Sanya Lopez) para mapalaya ang buong Encantadia.
Makakaligtas kaya si Flamarra mula sa kalupitan ni Mitena?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: