
Maaksyon ang mga eksenang masasaksihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Miyerkules, July 16.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, mapapasabak si Terra (Bianca Umali) sa laban sa mundo ng mga tao.
Ipinasilip ang pag-utos ni Gov. Emil (Ricky Davao) sa kaniyang mga tauhan na pagbayarin si Terra sa ginawa sa kaniyang anak na si Cami (Pam Prinster) at pagkalaban sa kaniyang pamilya.
Sa Encantadia, malalaman na ni Flamarra (Faith Da Silva) na buhay si Adamus (Kelvin Miranda), pero hindi siya nakikilala nito.
Samantala, ngayong gising na si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) magkikita na kaya sila ni Terra?
Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: