
May reaksyon behind-the-scenes si Faith Da Silva sa pagiging brokenhearted ng karakter niyang si Sang'gre Flamarra matapos na malamang ikinasal na ang kanyang kababata at kaibigang si Soldarius, na ginagampanan ni Luis Hontiveros.
Sa ibinahaging kulitan video mula sa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, ipinakita ni Faith ang behind-the-scenes na reaksyon bilang Flamarra kung saan ay umarte ito na naiiyak at nasasaktan habang pilit naman siyang sinusuyo sa likuran ni Luis na naka-Rama costume.
Tuwang-tuwa naman ang kambal na sina Vito at Kiel Gueco, na naka-Mantuk at Tukman, habang pinapanood ang aktingan na ito nina Faith at Luis.
Caption ni Faith sa behind-the-scenes video, "Grabe ka na, Soldarius."
Agad namang umani ng libo-libong reaksyon mula sa fans at kasalukuyang mayroong 336,000 views sa Facebook.
Komento ng isang netizen, "Soldarius naman bakit mo hinayaan masakta si Flamarra."
Dagdag ng isa pang Sang'gre viewer, "Grabe ka Soldarius pinaiyak mo ang pinaka-epal sa lahat."
Biro naman ng isang fan, "Cancel daw Feb 14. Broken si Flamarra. HAHAHAHAH."
May pag-asa pa kaya ang love story nina Flamarra at Soldarius? Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.