
Game na game na kumasa si Cassy Lavarias sa "Bebot" trend, at hindi lang makeup transformation kundi may pa-Sang'gre costume pa ang aktres.
Sa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, sinabayan ni Cassy ang kantang "Bebot" habang naka-puting damit ng ivtreng si Gaiea at nag-transform nang naka-warrior costume tulad ng isang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Kasalukuyang mayroong one million views sa Facebook ang "Bebot" entry na ito ni Cassy, na kinaaliwan ng netizens.
Sa isa pang Facebook post, nag-pose si Cassy habang naka-warrior costume tulad ni Sang'gre Danaya. Sulat niya, "Nagmana po talaga ako sa aking Ada (Ate Sanya Lopez).
Subaybayan si Cassy Lavarias bilang Gaiea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
MAS KILALANIN SI CASSY LAVARIAS SA GALLERY NA ITO: