
May maiisip si Lira (Mikee Quintos) para sa magkapatid na Gaiea (Cassy Lavarias) at Terra (Bianca Umali)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, dahil hindi pa rin makabalik ang ivtre ni Terra sa kanyang katawan, magbibigay ng suhestiyon si Lira kay Gaiea na bakit hindi niya saniban ang katawan ni Terra.
Gagawin kaya ni Gaiea ang naiisip ni Lira?
Samantala, muling sasalakay sina Hagorn (John Arcilla) at Mitena (Rhian Ramos) sa Lireo para kuhanin ang katawan ni Terra!
Tila may mahahanap na paraan sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) para mailigtas si Terra.
Ibinalita ni Nunong Imaw kay Mira (Kate Valdez) na pumunta ang mga Sang'gre sa Salveo, isang isla sa Balaak, para humanap ng kasagutan kung paano maibabalik ang ivtre ni Terra.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Sanya Lopez celebrates Women's Month with Sang'gre gallery