
Nasa Encantadia na si Gargan (Tom Rodriguez)!
Nakita na rin niya kung paanong sinubukang wasakin ng mga Sang'gre ang Itim na Brilyante. Pero bago bawiin ang kanyang brilyante tila uunahin ni Gargan na mabawi mula kay Mitena (Rhian Ramos) ang kanyang Asvor (setro).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, babawiin na ni Gargan ang kanyang Asvor kay Mitena. Kaparusahan naman ang haharapin ni Mitena sa pagtatagpo nila ni Gargan!
Samantala, pinaplano ni Hagorn (John Arcilla) na magpunta sa Lireo para kuhanin ang Itim na Brilyante mula sa mga Sang'gre.
Sa Sapiro, hinatulan na ni Rama Soldarius (Luis Hontiveros) ng parusang kamatayan ang kataksilan ni Tabun.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: