GMA Logo Encantadia Chronicles Sang'gre
What's on TV

Sang'gre: Hara Armea, manganganib sa kamay ni Mitena!

By Aimee Anoc
Published April 15, 2026 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang'gre


Tuluyan na kayang masasakop ng hukbo ni Gargan ang Kaharian ng Sapiro?

Manganganib ang buhay ni Hara Armea (Ysabel Ortega) sa paglusob ng hukbo ni Gargan (Tom Rodriguez) sa Sapiro.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, hawak ni Mitena (Rhian Ramos) sa leeg si Armea habang sinasabi kay Terra (Bianca Umali) na panoorin ang katapusan ng hara. Kasunod nito, ipinasilip ang pagsaksak ni Mitena kay Armea.

Mapapasok na rin ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang loob ng kaharian ng Sapiro kung saan muli siyang haharapin ni Rama Soldarius (Luis Hontiveros).

Muli namang susubukan ni Gargan na makuha ang Brilyante ng Lupa kay Terra. Pero maninindigan ang Sang'gre na hinding-hindi niya isusuko ang kanyang brilyante at sinisiguro na kamatayan ang ipapataw sa mga kalaban.

Makaligtas kaya si Hara Armea at ang Sapiro sa laban?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED GALLERY: Ahtisa Manalo, ipinakita ang mga larawan nina Haliya at Gargan