
Si Harahen (Diana Zubiri) mismo ang magpupunta sa Lireo para ibalik kay Danaya (Sanya Lopez) ang Brilyante ng Lupa.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, iniabot na ni Harahen kay Danaya ang Brilyante ng Lupa at maging ang Asvor (setro) ni Gargan (Tom Rodriguez).
Muli namang ibinigay ni Hara Alena (Gabbi Garcia) kay Amihan (Kylie Padilla) ang kanyang espada na binasbasan gamit ang setro ng kanilang ina.
Nakita ni Hagorn (John Arcilla) ang paghahandang ito ng mga Sang'gre, at agad naman niyang ipapaalam kay Gargan ang binabalak na pagpunta ng mga ito sa mundo ng mga tao para kalabanin ang Itim na Bathala.
Samantala, paano kaya haharapin ni Terra (Bianca Umali) ang sariling dilim?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: