
Isang matinding harapan ang magaganap ngayong gabi sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa inilabas na teaser ng serye, magsasama-sama ang pitong Sang'gre upang wakasan ang kasamaan ni Gargan (Tom Rodriguez).
Ngunit tila may kapalit ang kanilang planong pagwasak, lalo na't hawak pa rin ni Gargan ang Ivtre ni Terra (Bianca Umali).
Matatalo na kaya ng mga Sang'gre si Gargan? Ano ang magiging kapalaran ni Terra?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Silipin ang behind-the-scene moments ng mga Sang'gre sa gallery na ito: