GMA Logo Glaiza De Castro,Cassy Lavarias,  Bianca Umali
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang'gre
What's on TV

Sang'gre: Kera Mitena, matatalo sa dalisay na pag-ibig?

By Kristine Kang
Published October 24, 2025 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Charter flights for OFWs in Middle East being arranged —Marcos
Officials to study need to raise fare of Guimaras boat ride
HONNE returns to Manila this August for 10th anniversary tour

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro,Cassy Lavarias,  Bianca Umali


Ano kaya ang ibig sabihin ng ipinahiwatig ng Batis ng Katotohanan? Abangan 'yan mamaya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Mas umaalab ang puso ng bawat Encantado na talunin ang kampon ng masamang Kera Mitena (Rhian Ramos).

Sa pamumuno ni Sang'gre Flamarra (Faith Da Silva), handang gawin ng mga Hathor ang lahat upang ipaghiganti ang mga nawala sa kanila.

Maging ang mga Ivtre ay hindi matahimik, lalo na si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro). Para sa Encantadia, nais ng dating Hara na tumakas sa Devas at muling makabalik sa minamahal niyang mundo.

Samantala, lumapit sina Sang'gre Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa Batis ng Katotohanan. Dito nila natuklasang tanging dalisay na pag-ibig ang makakatalo kay Mitena.



Ano ang tunay na ibig sabihin ng ipinahiwatig ng Batis ng Katotohanan? Makakatakas kaya si Pirena sa mata at parusa ni Emre?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: