
Hindi mapapalagay si Danaya (Sanya Lopez) hangga't hindi nakukumpira kung tunay na nasa loob ng Itim na Brilyante ni Gargan (Tom Rodriguez) ang ivtre ng anak na si Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinarating ni Danaya kay Pirena (Glaiza De Castro) ang kanyang binabalak para malaman at mapatunayan na nasa Itim na Brilyante si Terra. Labis ang pag-aalala ng magkakapatid para kay Danaya.
Samantala sa Sapiro, tila may masamang binabalak na naman si Tabun dahil hindi ito natatakot kahit nahuli na si Osram, ang taong inutusan niyang patayin si Hara Armea (Ysabel Ortega).
Mabibihag naman ni Agane (Rochelle Pangilinan) si Agnem (Mikoy Morales) at pipilitin ni Hagorn (John Arcilla) na umanib sa kanila. Matatakasan kaya ni Agnem ang kanilang pagbabanta?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Meet these 'Sang'gre' hunks who spice up your primetime viewing