
Muling makakaharap ni Lira (Mikee Quintos) ang Mine-a-ve na pumaslang sa kanya, si Daron (Jon Lucas).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, malalaman na ni Hara Armea (Ysabel Ortega) na si Daron ang pumatay noon kay Lira. Dahil si Lira ang napaslang, inilalagay ni Armea sa mga kamay ng kapatid ang magiging kapalaran ni Daron.
Nagbitaw rin ng mga salita si Lira na hinding-hindi niya mapapatawad si Daron. Ano kaya ang magiging pasya ni Lira?
Samantala, mabibihag ni Gargan (Tom Rodriguez) ang kapatid ni Terra (Bianca Umali) na si Gaiea (Cassy Lavarias)!
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILAN SA MGA DAPAT PANG ABANGAN SA SANG'GRE NGAYONG LINGGO: