
Nagkita na sina Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) at Terra (Bianca Umali) at magkasama nilang haharapin ngayon sa mundo ng mga tao ang grupo ni Olgana (Bianca Manalo).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, haharap sa matinding laban sina Pirena at Terra laban sa group nina Olgana at Veshdita (Shuvee Etrata), na silang naatasan ni Kera Mitena (Rhian Ramos) na maghanap sa Sang'greng tagapagligtas sa mundo ng mga tao.
Ipinasilip din ang paghaharap nina Pirena at Olgana at ang tangkang pagbawi ni Pirena sa Brilyante ng Apoy.
Bukod dito, ipinakita rin ang pakikipaglaban ni Terra kay Veshdita.
Magtagumpay kaya sina Pirena at Terra laban kina Olgana at Veshdita?
Samantala, sisimulan na nina Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva), at Soldarius (Luis Hontiveros) ang pagtakas sa bilangguan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: