GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Sang'gre: Mabuhay kaya muli si Terra?

By Aimee Anoc
Published March 12, 2026 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Almost 200,000 outbound passengers seen in seaports during Holy Week
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre


Susubukan na ng mga Sang'gre na pabalikin ang ivtre ni Terra sa kanyang katawan!

Tila magtatagumpay sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) na makakuha ng kasagutan mula kay Memen (Wendell Ramos) kung paanong maililigtas si Terra (Bianca Umali), na nakakulong ang ivtre sa loob ng Itim na Brilyante.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, susubukan na ng mga Sang'gre sa pangunguna ni Deia na pabalikin ang ivtre ni Terra sa kanyang katawan. Ngunit nagbabala si Memen na magagawa nila ito kung ito rin ang ibig ni Terra.

Labis naman ang pakiusap ni Danaya (Sanya Lopez) sa harap ng labi ni Terra na bumalik na siya.

Samantala sa Sapiro, ipapahuli na nina Hara Armea (Ysabel Ortega) at Rama Soldarius (Luis Hontiveros) si Tabun (Carla Martinez) para litisin sa kanyang mga nagawang kasalanan!

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.