
Nanggaling na mismo kay Pirena (Glaiza De Castro) na mas magiging maigting ang kanilang laban kay Gargan (Tom Rodriguez) matapos na masaksihang gamitin ng Itim na Bathala ang kanyang pananggala laban sa kapangyarihan ni Danaya.
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, binalaan ni Gargan ang mga Sang'gre na kayang-kaya nitong dalhin silang lahat sa kanilang kamatayan. Inutusan naman ni Danaya (Sanya Lopez) sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) na pagsama-samahin ang kanilang apat na Brilyante.
Wala namang mailabas na kapangyarihan si Pirena para makatulong sa kanyang mga kapatid. Dito ipinasilip na si Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff) na mismo ang hihingi ng tulong kay Bathalumang Haliya.
Paano kaya haharapin ng mga Sang'gre ang lakas ng sinaunang Bathalang si Gargan?
Samantala sa Encantadia, tila manganganib si Gaiea (Cassy Lavarias) sa pagdating ng mga Gulmorok (soul-hunters). Ipinakita rin ang pagdating ni Mitena (Rhian Ramos) sa kanyang kinaroroonan habang hawak ang Asvor (setro) ni Gargan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: