
Masasaksihan na ang pinakahihintay na pagkikita ng mag-inang Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) at Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinasilip ang madamdaming pagkikita nina Terra at Danaya.
Samantala, isang malupit na kaparusahan mula kay Kera Mitena (Rhian Ramos) ang masasaksihan ng buong Encantadia. Ito ay matapos ang pagtakas nina Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva), at Soldarius (Luis Hontiveros) sa bilangguan.
Isang bagong kakampi rin ang magliligtas kay Adamus mula sa mga kawal na Mine-a-ve na tumutugis sa kanya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: