GMA Logo sanggre
What's on TV

'Sang'gre': Magtagumpay kaya ang mga Sang'gre na makuha ang Itim na Brilyante?

By Aimee Anoc
Published March 5, 2026 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN Global Compact Network PH elects new board
Impeachment complaints batok VPSD, gideklarang ‘sufficient in substance’ | One Mindanao
Local bus company rolls out fuel-saving measures amid diesel price hike

Article Inside Page


Showbiz News

sanggre


Abangan ang muling pagtutuos ng mga Sang'gre at ni Gargan ngayong Huwebes sa GMA.

Tinanggap ni Gargan (Tom Rodriguez) ang hamon sa kanya ng mga Sang'gre na muling pagtutuos!

Plano ng mga Sang'gre na makuha ang Itim na Brilyante kay Gargan matapos na makumpirma na nasa loob nito ang ivtre ni Terra (Bianca Umali).

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, sama-samang haharapin ng mga Sang'gre si Gargan sa laban. At nang ilabas ng Itim na Bathala ang kanyang Brilyante ay nagkatawang-ibon si Danaya at agad itong kinuha.

Magtagumpay kaya ang mga diwata na tuluyang makuha ang Itim na Brilyante kay Gargan?

Samantala sa Lireo, gagawa ng mahika si Agnem (Mikoy Morales) na makatutulong sa pagpapabagal nang pag-agnas ng katawan ni Terra.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Related content: ON THE SET: Glaiza De Castro shares fun moments with 'Sang'gre' co-actors