
Makakapasok na sa Devas si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kasama ang apat na itinakdang tagapangalaga ng mga Brilyante na sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, kasamang pumasok ni EC'NAAD (Justin de Dios) sa Devas sina Pirena, Flamarra, Deia, Adamus, at Terra.
Maririnig din na mayroong tumawag ng edea (ate) kay Pirena na tila boses ni Amihan (Kylie Padilla).
Samantala sa Lireo, susubukang tawagin ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang apat na Brilyante gamit ang Esperanto. Malalaman na rin nito na buhay si Mitena (Rhian Ramos).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG REAKSYON NI SB19 JUSTIN NANG MAPANOOD ANG MGA EKSENA SA 'SANG'GRE' RITO: