
Mag-isang hinaharap ngayon ni Flamarra (Faith Da Silva) sa laban si Gargan (Tom Rodriguez). Ito ay matapos na dalhin siya mismo ng dugo ni Gargan, na nasa kanyang kamay, sa kinaroroonan ng Bathala ng Kadiliman.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makakasama ni Flamarra sa laban kay Gargan ang kambal-diwa ng Brilyante ng Apoy na si Lavanea (Ina Feleo). Kahit nanganganib ang buhay, nanindigan si Flamarra na hindi niya isusuko ang kanyang brilyante sa kalaban.
Samantala sa Hathoria, magpapatuloy ang pakikipaglaban nina Terra (Bianca Umali), Adamus (Kelvin Miranda), Deia (Angel Guardian), at Pirena (Glaiza De Castro) kina Mitena (Rhian Ramos) at Zaur (Gabby Eigenmann).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related gallery: Faith Da Silva shares Flamarra BTS moments in Sang'gre: 'Ang pinaka-epal sa lahat'