
Tinaasan na ni Gov. Emil (Ricky Davao) ang pabuya sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan ng Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ni Gov. Emil sa Sang'gre, na ikinababahala nina Terra (Bianca Umali) at Akiro (Vince Maristela).
Hindi naman tumitigil si Pirena (Glaiza De Castro) sa paghahanap sa kanyang hadiya (pamangkin) na si Terra. Ipinasilip na rin ang pagkikita nila ni Mona (Manilyn Reynes).
Samantala, ipinakita na ang pagsasabi ni Kapre (Benjie Paras) kay Terra na may naghahanap sa kanya na kapwa Sang'gre, ang totoo niyang pamilya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: