
Malalagay sa panganib ang buhay ni Deia (Angel Guardian) ngayong Biyernes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, nagpaplano na ng pag-aaklas si Zaur (Gabby Eigenmann) laban kay Mitena (Rhian Ramos) at sisimulan niya ito sa paggamit kay Deia (Angel Guardian).
Maririnig na sinabi ni Zaur kay Deia na dapat itong magtiwala sa kanya dahil kilala nito ang kanyang ama.
Sumunod na ipinakita ang pagtatangka ni Deia na kuhanin ang esperanto ni Mitena.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: