
Mahahanap na nina Pirena (Glaiza De Castro) at Danaya (Sanya Lopez) ang mga kalaban na sina Hagorn (John Arcilla) at Mitena (Rhian Ramos)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, sa paghahanap ni Danaya sa kanyang apwe (kapatid) na si Pirena ay matatagpuan din niya sina Hagorn at Mitena.
Ipinasilip na rin ang pagtupad ni Gargan (Tom Rodriguez) sa kahilingan ni Hagorn na muling buhayin ang kanyang mga alagad mula sa Balaak!
Samantala sa mundo ng mga tao, may bagong mga salitang matututunan sina Adamus (Kelvin Miranda) at Deia (Angel Guardian).
Ikukuwento naman ni Terra (Bianca Umali) kay Gaiea (Cassy Lavarias) ang pangarap na ipinakita sa kanya ni Gargan kung saan nakita niyang buhay ang kapatid at hindi isang ivtre.
Sinabi naman ni Gaiea kay Terra na baka nga kayang buhayin ni Gargan ang tulad niyang ivtre.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILAN SA MGA DAPAT PANG ABANGAN SA SANG'GRE NGAYONG LINGGO: