
Naglabas ng tribute video ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre para sa batikang aktor at direktor na si Ricky Davao.
Ang Sang'gre ang isa sa huling proyekto ni Ricky Davao bago siya pumanaw noong May 2025 sa edad na 63, matapos na makipaglaban sa cancer.
Napapanood si Ricky Davao sa Sang'gre bilang Gov. Emil, na naging mahigpit na kalaban ni Terra (Bianca Umali) sa mundo ng mga tao.
Sa tribute video, ipinakita ang ilang masasayang behind-the-scenes ni Ricky Davao sa set ng Sang'gre, maging ang paulit-ulit na pagbanggit niya sa Sang'gre.
Mapapanood din sa tribute video ang masayang pagbibigay galang ng aktor sa pagyuko nito para sa manonood.
Avisala Meiste, Direk Ricky Davao!
Samantala, subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: Remembering the legacy of Ricky Davao