GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Sang'gre: Mga bagong Sang'gre laban sa magkakapatid na Sang'gre!

By Aimee Anoc
Published May 4, 2026 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Brawl erupted, shot fired in basketball games in Cebu and Iloilo
Roxie Smith sa pagsabak niya sa Miss Universe Philippines pageant: 'We did it'
6 Strategies to improve self-control

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre


Haharapin mismo nina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra sa laban sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya. Abangan 'yan sa 'Sang'gre' ngayong Lunes.

Masasakop ng itim na kapangyarihan ni Gargan (Tom Rodriguez) ang magkakapatid na Sang'gre!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, kakalabanin mismo nina Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia), at Danaya (Sanya Lopez) ang kanilang mga anak na sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).

Aatakihin din ni Amihan (Kylie Padilla) ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na si Deia (Angel Guardian).

Ipinasilip din ang paghaharap nina Terra at Mitena (Rhian Ramos) sa laban. Magkakatotoo na kaya ang nakatakda?

Huwag palampasin ang finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, tingnan ang mga naganap sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa gallery na ito: