
Napasakamay ni Gargan (Tom Rodriguez) ang mga piraso ng Itim na Brilyante! Ito ay matapos na masakop si Ether (Janice Hung) ng kasamaan ng Itim na Brilyante.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, gagawa ng pananggalang sa Kaharian ng Lireo sina Terra (Bianca Umali), Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) sa tulong ni Agnem (Mikoy Morales) bilang paghahanda sa paghahasik ng lagim ni Gargan.
Iminungkahi naman ni Zaur (Gabby Eigenmann) kay Gargan na unahing wasakin ang Devas nang walang sinumang mabubuhay pang muli. Sinang-ayunan naman ito ni Gargan.
Samantala, magkakaroon ng masamang pangitain si Mitena (Rhian Ramos) kay Adamus (Kelvin Miranda)!
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.