
Tila buo na ang desisyon ni Mira (Kate Valdez) na sundan ang pagtakas ng kanyang inang si Pirena (Glaiza De Castro) mula sa Devas patungong Encantadia.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makikita ang biglaang paghawak ni Mira kay Lira at sabay na tumalon mula sa Devas.
Patuloy naman ang pakikipaglaban nina Pirena (Glaiza De Castro) at Gaiea (Cassy Lavarias) sa Gulmoroks (soul-hunters) na nais silang dalhin sa Balaak.
Samantala sa Isla ng Mine-a-ve, muli nang maghaharap sina Mitena (Rhian Ramos) at Danaya (Sanya Lopez). Planong gamitin ni Mitena si Danaya laban sa kanyang anak na si Terra (Bianca Umali).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG REMARKABLE SCENES NI SANG'GRE PIRENA SA GALLERY NA ITO: