
Harap-harapang tatraydurin ni Mitena (Rhian Ramos) si Hagorn (John Arcilla)!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, nagbalatkayo si Hagorn bilang Mitena at pumunta sa Lireo para kuhanin ang Itim na Brilyante. Sa pagdating, makakaharap niya mismo si Mitena, na tila kakampi sa mga Sang'gre.
Iisa lang ang matitira sa laban! Makaligtas kaya si Hagorn sa pakikipagtapatan sa mga Sang'gre?
Huwag palampasin ang kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Sanya Lopez celebrates Women's Month with Sang'gre gallery