
Nais na malaman ni Danaya (Sanya Lopez) kung ano ang masamang pangitain na nakita ni Mitena (Rhian Ramos) sa kanilang paghaharap. Pero binalaan siya ni Mitena na hindi nito kakayanin ang kanyang sasabihin.
Kasalukuyang kinakaharap ng mga bagong Sang'gre sa mundo ng mga tao si Gargan (Tom Rodriguez) kasama ang mga Kambal-Diwa ng mga Brilyante.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinasilip na mabibihag ni Gargan si Terra (Bianca Umali).
Mababago pa kaya ang nakatadhanang pagkasawi ng mga Sang'gre?
Samantala, nakaharap ni Pirena (Glaiza De Castro) sa Dalum Deva (purgatoryo ng mga Bathala at Bathaluman) sina Bathalang Arde at Bathalumang Ether (Janice Hung).
Malampasan kaya ni Pirena ang pagsubok sa kanya sa Dalum Deva para makamtan ang minimithing muling pagkabuhay?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.