GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre episode 84 teaser
What's on TV

Sang'gre: Mitena, nagbabalik bilang kera; Pirena, susubukin ang mga bagong Sang'gre

By Aimee Anoc
Published October 9, 2025 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Start of Traslacion to Lapu-Lapu City
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre episode 84 teaser


Sa pagbabalik ni Mitena bilang reyna, ano kaya ang naghihintay sa Encantadia?

Nagbabalik si Mitena (Rhian Ramos) bilang kera (reyna) ng Encantadia!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ang taksil na ovlar (heneral) na si Zaur mismo ang magpapatong ng korona kay Mitena sa pagbabalik nito bilang kera.

Samantala sa may lupain sa Hathoria, uutusan na ni Pirena (Glaiza De Castro) ang mga bagong Sang'gre na sina Flammara (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) na gamitin na ang kanilang mga Brilyante.

Susubukin din ni Pirena ang lakas ng mga bagong Sang'gre.


Sa Lireo, ipinasilip ang paghahanap ni Olgana (Bianca Manalo) sa anak niyang si Deia.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: