
Ipapakita na ni Terra (Bianca Umali) kay Mona (Manilyn Reynes) ang kanyang kapangyarihan.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, sasabihin na ni Terra kay Mona na siya ang Sang'gre.
Patuloy naman ang paghahanap ni Pirena (Glaiza De Castro) sa kanyang hadiya (pamangkin) na si Terra. Ituturo na rin ng Kapre kay Pirena ang kinaroroonan ni Terra, pero tila si Mona ang kanyang makakaharap.
Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nina Pirena at Mona?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: