GMA Logo Pirena and Mitena
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang’gre
What's on TV

Sang'gre: Muling paghaharap nina Pirena at Mitena!

By Kristine Kang
Published July 25, 2025 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pirena and Mitena


Magtatagumpay ba ang kasamaan ni Kera Mitena laban kay Sang'gre Pirena? Abangan 'yan mamaya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Kapanapanabik ang mga eksena ngayong Biyernes (July 25) sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Sa pagbabalik ni Pirena (Glaiza De Castro) sa mundo ng Encantadia, muli niyang haharapin ang kasamaan ni Kera Mitena (Rhian Ramos).

Makikita sa teaser ang matinding pagtutuos ng dalawa at ang muling paglitaw ng Brilyante ng Apoy!

Samantala, mabibihag si Sang'gre Adamus (Kelvin Miranda) ng mga kalaban. Pero sa kabila ng panganib, muli niyang masisilayan ang mabuting Mineave na si Deia (Angel Guardian).

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: