
May napansin sina Gaiea (Cassy Lavarias), Lira (Mikee Quintos), at Mira (Kate Valdez) na kakaibang nangyayari sa katawan ni Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, kinumpirma ni Nunong Imaw na nagsisimula nang maagnas ang katawan ni Terra dahil masyado nang matagal na magkahiwalay ang kanyang ivtre (kaluluwa) at katawan.
Tahimik naman na nagmamasid at nakikinig si Agnem (Mikoy Morales) sa kanilang likuran.
Samantala, may hihilingin si Mitena (Rhian Ramos) sa Asvor (setro) ni Gargan (Tom Rodriguez).
Muli naman niyang makakaharap si Hagorn (John Arcilla) na puwersahang kukunin sa kanya ang setro.
Sa mundo ng mga tao, mag-isang pupunta si Danaya (Sanya Lopez) sa pinagtataguan ng kampo ni Gargan para kumpirmahin kung tunay na nasa loob ng Itim na Brilyante ang ivtre ni Terra.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: ON THE SET: Glaiza De Castro shares fun moments with 'Sang'gre'
co-actors