GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre episode 128 teaser
What's on TV

Sang'gre: New gen Sang'gres vs. Gargan

By Aimee Anoc
Published December 10, 2025 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lumitaw na tila mukha ni Hesus sa pader, likha ng psychological phenomenon na ‘pareidolia,’ ayon sa eksperto
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre episode 128 teaser


Maghaharap na ang mga Sang'gre at si Gargan sa mundo ng mga tao!

Kahit paulit-ulit siyang hindi pinaniniwalaan, muling sinabi ni Mitena (Rhian Ramos) kay Hara Alena (Gabbi Garcia) ang pangitaing kanyang nakita -- na nakatakas na si Hagorn (John Arcilla) mula sa Balaak!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, pinipilit ni Hagorn, na nagbalatkayong Pirena (Glaiza De Castro), si Hara Alena na huwag paniniwalaan ang kasinungalingan ni Mitena.

Muli namang pinuntahan ni Armea (Ysabel Ortega) si Lira (Mikee Quintos) sa Adamya para sabihin ang suliranin nito. Nalaman ni Armea sa Batis ng Katotohanan na ang Mine-a-ve na si Daron (Jon Lucas) ang nakatadhanang maging kabiyak niya.

Samantala sa mundo ng mga tao, ano kaya ang mangyayari sa paghaharap ng mga Sang'gre at ni Gargan (Tom Rodriguez)?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, makiisa sa kauna-unahang GMANetwork.com Awards at iboto ang paborito mong Kapuso Drama.