
Hindi pa natatapos ang digmaan sa mundo ng mga tao, lalo na't may nagbabalik na dating kakampi na ngayo'y kalaban ng mga Sang'gre.
Sa inilabas na teaser ng superserye, haharapin ng mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante ang mga yumaong Kambal-Diwa na sina Alipato (Jay Ortega), Avilan (Radson Flores), Sari-a (Lexi Gonzales), at Agua (Elle Villanueva).
Samantala, haharapin naman ni Daron (Jon Lucas) ang magiging hatol ng mga Sang'gre matapos niyang sumuko sa gitna ng digmaan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA SANG'GRE NGAYONG LINGGO: