
Inilabas na ng GMA Playlist ang EP para sa original soundtracks ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Mapapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang digital music platforms ang apat na soundtracks ng Sang'gre kabilang ang "Bagong Tadhana" na inawit ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Ang "Bagong Tadhana" ay likha ni Natasha L. Correos mula sa liriko ni Greg T. Aldrin, isa sa mga manunulat ng serye. Ang lyrics nito ay nakasulat sa pinagsamang Tagalog at Enchanta, ang fictional language ng Encantadia.
Kasama rin sa extended play ang "Sang'gre Opening Title," "Sang'gre Bagong Simula," at "Nagmahal Muli" na compose ni Neil Chua, mix ni Harry Bernardino, at produce ni Rocky Gacho.
Pakinggan ang Sang'gre OSTs DITO:
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lune hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MOMENTS NG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: