
Available na sa lahat ng music streaming platforms ang original soundtracks ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na "Awit ni Lira" at "Armea's Song."
Nitong Martes (January 13), inilabas na ng GMA Playlist ang album na Sang'gre Original Soundtrack Volume 3 na naglalaman ng apat na tracks.
Narito ang tagos sa pusong "Awit ni Lira" na kinanta mismo ng Sang'gre actress na si Mikee Quintos at ang instrumental nito.
Nasa album din ang powerful at inspiring na awit ni Armea na "Malaya," na kinanta naman ni Ysabel Ortega, gayundin ang playback ng "Armea's Song."
Pakinggan ang Sang'gre OSTs na "Awit ni Lira" at "Armea's Song" DITO:
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes nito sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MOMENTS NG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: