GMA Logo Glaiza De Castro as Pirena
What's on TV

Sang'gre: Pagbawi ni Pirena sa Brilyante ng Apoy, nag-trend online

By Aimee Anoc
Published August 26, 2025 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro as Pirena


Maraming netizens ang natuwa nang mabawi na ni Pirena (Glaiza De Castro) ang kanyang brilyante.

Nabawi na ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) ang Brilyante ng Apoy kay Olgana (Bianca Manalo) noong Lunes (August 25) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Maraming netizens ang natuwa nang mabawi na ni Pirena ang kanyang brilyante at muling makita ang transformation ni Pirena suot ang kanyang warrior costume.

Sa Facebook page ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, umani ng libo-libong reaksyon ang transformation ni Pirena na inabangan at hinangaan ng manonood.

Nag-trend din sa X (dating Twitter) ang hashtag na "SanggreBrilyanteNgApoy" at si Pirena.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: