
Nangyari na ang mapait na pangitain tungkol sa pagkamatay ni Sang'gre Terra (Bianca Umali)!
Sa inilabas na teaser ng superserye, haharapin ng Encantadia ang matinding pagdadalamhati matapos ang sakripisyong ginawa ni Terra.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, hawak din ni Gargan (Tom Rodriguez) ang Ivtre ng kanilang yumaong Sang'gre!
Samantala, nagbabadya rin ang panibagong tunggalian nang tangkain ni Hagorn (John Arcilla) na paslangin si Mitena (Rhian Ramos).
Paano haharapin ng mga Sang'gre ang tumitinding banta ng kadiliman? Ano ang mangyayari sa nakakulong na Ivtre ni Terra?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, basahin ang ilang komento ng Sang'gre viewers sa huling laban nina Terra at Gargan dito: