GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Sang'gre: Paghahanap nina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra sa mga Sinaunang Pashnea!

By Aimee Anoc
Published April 28, 2026 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'The Voice' alum Dylan Carter dies at 24
This immersive museum sails you through PH's maritime history By Faye Almazan
Man linked to Mamasapano massacre, 56 murder raps arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre


Puno ng pagsubok ang paghahanap ng mga bagong Sang'gre sa kanilang mga Espirituwal na Pashnea. Abangan 'yan ngayong Martes sa 'Sang'gre.'

Magsisimula na ang paghahanap nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa mga Sinaunang Pashnea, na taglay ang lakas at simbolo ng mga brilyante at elemento, na kanilang magiging dagdag kapangyarihan laban sa kasamaan.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, bawat isa sa mga bagong Sang'gre ay haharap sa kanya-kanyang pagsubok para mahanap ang Espirituwal na Pashnea na nakalaan para sa kanila.

Magtagumpay kaya sina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra na mahanap at mahikayat ang mga Sinaunang Pashnea? Lalo na ngayong mas malakas ang kapangyarihan ni Gargan matapos na makuha ang mga Brilyante ng Apoy at Hangin.


Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, narito ang ilan sa mga dapat pang abangan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre: