GMA Logo Celebes at Harahen
What's on TV

Sang'gre: Pagharap nina Terra at Adamus kina Harahen at Celebes

By Aimee Anoc
Published October 1, 2025 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Celebes at Harahen


Mapapalaban ang mga Sang'gre sa mga sinaunang Kambal-Diwa! Abangan 'yan ngayong Miyerkules.

May paraan pa para maibalik ang kapangyarihan ng mga Brilyante at ito ay kung mapapabalik ng mga Sang'gre ang mga sinaunang Kambal-Diwa na nanahan noon sa mga Brilyante.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, mapapalaban si Terra (Bianca Umali) kasama si Ec'naad (Justin de Dios) sa pagharap nila sa sinaunang Kambal-Diwa ng Lupa na si Harahen (Diana Zubiri).

Haharapin din ni Adamus (Kelvin Miranda) kasama si Wantuk (Buboy Villar) ang galit ng sinaunang Kambal-Diwa ng Tubig na si Celebes (Gazini Ganados).

Magtagumpay kaya sina Terra at Adamus sa kanilang misyon na mapabalik ang mga sinaunang Kambal-Diwa sa mga Brilyante?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: