
Hindi titigil si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) hangga't hindi nahahanap ang anak ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magaganap na ang inaabangang pagkikita nina Pirena at Terra (Bianca Umali).
Samantala sa mundo ng Encantadia, patuloy ang pagdududa ni Flamarra (Faith Da Silva) sa kabaitang ipinapakita ni Deia (Angel Guardian). Pero nararamdaman ni Adamus (Kelvin Miranda) na mabuti at iba si Deia sa kanyang mga kalahi.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: