
Makikilala na nina Terra (Bianca Umali) at Mitena (Rhian Ramos) ang isa't isa!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magpapatuloy ang laban ng mga bagong Sang'gre sa Adamya, kung saan ipinasilip din ang pagdating ni Mitena kasama sina Olgana (Bianca Manalo), Zaur (Gabby Eigenmann), at Veshdita (Shuvee Etrata).
Dito na rin muling magkikita ang una nang naging magkaibigan na sina Naya at Samina pero ngayon ay bilang magkalaban na sina Terra at Mitena.
Malalaman na rin ni Mitena na si Terra ang Sang'greng itinakda!
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, BASAHIN DITO ANG REAKSYON NG NETIZENS SA ICONIC TRANSFORMATION NG MGA BAGONG SANG'GRE: