
Agad na dininig ni Bathalumang Haliya ang kahilingan ni Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff) na lumitaw na ang dalawang buwan sa Encantadia.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, lumabas na ang kapangyarihan ni Pirena (Glaiza De Castro) habang patuloy ang kanilang pakikipaglaban kay Gargan (Tom Rodriguez) sa mundo ng mga tao.
Ipinasilip ang mas malakas na kapangyarihan ni Pirena na ikinagulat ni Danaya (Sanya Lopez).
Samantala sa Sapiro, muling isasagawa ni Tabun ang planong pagpaslang kay Hara Armea (Ysabel Ortega). Hindi naman ito hahayaang mangyari ni Daron (Jon Lucas).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Meet these 'Sang'gre' hunks who spice up your primetime viewing
--