
Sisimulan na ng mga Sang'gre ang pagbawi sa buong Encantadia.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, lulusob sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa pangunguna ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) sa Kaharian ng Hathoria para bawiin ito sa mga Mine-a-ve.
Ipinasilip din ang pakikipaglaban ng mga bagong Sang'gre gamit ang kanilang mga kapangyarihan.
Samantala sa Adamya, makakakita nang muli si Nunong Imaw sa tulong ni Sang'gre Terra at ng Brilyante ng Lupa.
Tuluyan na kayang mababawi ng mga Sang'gre ang Kaharian ng Hathoria?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS SA ICONIC TRANSFORMATION NG MGA BAGONG SANG'GRE: