
Nagtungo na sa mundo ng mga tao sina Danaya (Sanya Lopez), Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia) at Amihan (Kylie Padilla).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, nakasama na ng magkakapatid na Sang'gre sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian).
Magbibigay rin ng lakas ng loob si Amihan kay Deia na hindi man nila maililigtas ang lahat sa kanilang laban sa Itim na Bathala pero hindi ibig sabihin nito ay wala na silang maililigtas pa.
Ipinarating naman ni Deia sa magkakapatid na Sang'gre na isang karangalan para sa kanya ang lumaban kasama sila.
Samantala sa Lireo, napasakamay ni Mitena (Rhian Ramos) ang Asvor (setro) ni Gargan (Tom Rodriguez)! Nagagawa rin niyang utusan ito. Saan kaya niya gagamitin ang setro, para sa kabutihan o sa kasamaan?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: