
Sa pagsakop ni Kera Mitena (Rhian Ramos) sa Encantadia, susubukang makatakas ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kasama ang anak na si Flamarra (Faith Da Silva) at pamangkin na si Adamus (Kelvin Miranda) sa mundo ng mga tao, ito ay sa payo na rin ni Nunong Imaw.
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, muling magtutuos sina Sang'gre Pirena at Kera Mitena habang nasa puno ng Asnamon, ang nagsisilbing lagusan papunta sa mundo ng mga tao.
Nais ni Mitena na mapasakamay rin ang Brilyante ng Apoy na hawak ni Sang'gre Pirena.
Samantala, ipinasilip din ang panalangin ni Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) mula sa Devas, katumbas ng langit.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: