
Tila mabibigyan na ng linaw ang pangamba ni Kera Mitena (Rhian Ramos) tungkol sa misteryosong mandirigma sa kanyang panaginip.
Sa inilabas na teaser ng GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikilala na ng masamang Kera ang mga Kambal Diwa ng apat na brilyante.
Kaabang-abang ang kanilang magiging eksena, lalo na't tila may ibubunyag ang mga ito tungkol sa nawawalang Sang'gre na si Terra (Bianca Umali).
Samantala sa mundo ng mga tao, may isang nilalang na nagpapanggap bilang si Sang'gre! Isa kaya itong kalaban o posibleng maging bagong kakampi ni Terra?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: