
Bukal sa puso ni Terra (Bianca Umali) ang patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan. Kahit may panganib na dala ang kanyang misyon, mas nananaig ang hangarin niya na ipaglaban ang katarungan.
Sa bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikilala na ang mga bagong kontrabida na haharapin ni Terra sa mundo ng mga tao. Malalaman din niya ang mga pandarayang ginagawa ng mga ito sa Distrito Sais.
Samantala, maipapakita muli ang kapangyarihan ni Terra at ang kanyang pagiging malapit sa mga hayop.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: