
Patindi nang patindi ang tensyon at aksyon sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Sa bagong teaser nito, malalagay sa panganib ang mga mahal sa buhay ni Terra (Bianca Umali) matapos sugurin ng mga tauhan ni Emil Salvador (Ricky Davao) ang kanilang tahanan.
Kasabay nito, susubukin na ni Terra ang kanyang kapangyarihan para ipaglaban at protektahan ang kanyang pamilya.
Samantala sa mundo ng Encantadia, may mahalagang rebelasyon si Nunong Imaw kay Flamarra (Faith Da Silva) tungkol kay Sang'gre Adamus (Kelvin Miranda).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: