
Makikilala na ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) ang Panginoon ng Balaak! Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, muling makikita ni Pirena ang amang si Hagorn (John Arcilla), ang dating Hari ng Hathoria na ngayon ay naghahari na sa Balaak (impyerno).
Ipinasilip din ang pagsalubong at pagbati ni Hagorn kay Pirena. Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita ng mag-ama sa Balaak?
Samantala, buo na ang desisyon ni Mira (Kate Valdez) na sundan ang inang si Pirena sa Balaak. Magtagumpay kaya sila ni Lira (Mikee Quintos) na mahanap at mailigtas si Pirena?
Sa Lireo, patuloy ang pakikipaglaban nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa mga Mine-a-ve para tuluyan nang mabawi ang kaharian.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG REMARKABLE SCENES NI SANG'GRE PIRENA SA GALLERY NA ITO: